Abante Tonite Interactive

Jose havey ang pagdidirek ng ‘horrormedy’

By
1,462

tonite-pak-allan-dionesAng ‘Pamana’ na first horror comedy telemovie ang handog ng ‘Eat Bulaga’ sa kanilang 39th anniversary celebration kahapon.

Itsurang nagkaroon ng film screening sa loob ng Broadway studio dahil sama-sama nilang pinanood ang horror special na tampok ang Pamilya Nu­nal ng barangay.

Ang Team Barangay nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza ay nanood din doon sa barangay ng kuwento nina Kap Jose, Nanay Nunal, Paolito at Menggaynita na bagong lipat sa ancestral house na pinamana ng nasirang lola ni Kap.

Abante Hiring – IT dep

Multo-multuhan ang peg ng kung tawagin ni Maine ay ‘horror­medy’ na directorial debut ni Direk Ariel ‘Jose’ Manalo.
Nag-join din sa katatakutan at katatawanan ang Dabarkads na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Pauleen Luna, Luane Dy at Ryzza Mae Dizon bilang mga guest.

Hiyawan ang mga fan paglitaw ni Alden Richards bilang guwapong magbabalot na nakasalubong ni Maine sa may gate ng lumang bahay.

Si Wally ay dual role na naman dahil siya rin ang kontrabidang si Aling Ysing na karibal pala ni Nanay Nunal kay Kap Jose.

Ang hiling ng mga netizen, sana ay mabig­yan ng totoong­ horror movie ang AlDub dahil masarap daw mapanood sina Alden & Maine sa ganitong klase ng pelikula.

Si Jose naman a.k.a. Direk Ariel ay pinupuri ng mga netizen dahil mukhang may promise daw ito bilang direktor.
Kung mabibigyan daw ng tamang materyal at sapat na budget ay hindi mala­yong makagawa si Direk Ariel ng pelikula na puwede nitong ipagmalaki at ng Dabarkads.

Simula bukas ay papunta na ika-40th year nito ang longest-running noontime show sa telebisyon na ‘Eat Bulaga’! ()