Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jose, Kakai, Derrick lilituhin ang mga hurado

0 359

NI: ROLDAN CASTRO

Ready na ngayong gabi sina Jose Manalo , Kakai Bautista at Derrick Monasterio sa bagong game-reality talent show na “Catch Me Out Philippines.”

Magsasama ang amateur at professional. Kapag nakapasok na sila sa sa audition sasanayin sila ng mga bihasa.magmumuakha silang

Professional at hindi amateur.

Diyan malilito ang mga hurado at televiewers.

Mahirap daw hulaan kung sino talaga ang amateur.Maski ang mga hosts ay hindi alam.

SM food to go Banner Ad

Ang naturang show ay hango sa sikat at exciting na entertainment program sa United Kingdom, bibida sa ‘Catch Me Out Philippines’ ang mga ordinaryong tao na magpapakitang gilas at makikipagsabayan sa mga totoong propesyonal sa iba’t ibang larangan. Upang manalo, kinakailangan nilang mapaniwala ang celebrity guest judge sa bawat pagtatanghal na hindi sila ang nagpapanggap na contestant.

Samantala, kahit ito ang unang pagkakataon na magkakasama-sama bilang hosts sina Jose, Kakai, at Derrick, aminado ang tatlo na hindi naging mahirap makapalagayan ng loob ang isa’t isa.

“Off-cam para na kaming mga matagal nang magkakakilala. ‘Yun ‘yung kagandahan. Hopefully makita ng mga tao ‘yung bond namin,” ani Derrick.

Ayon naman kay Kakai, “I think this will be a very refreshing series. Ito kasi ‘yung first time na I am one of the leads of the show. Sobrang bago nito sa akin at napaka-positive niya.”

Inihalintulad naman ni Jose kina Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng Eat Bulaga ang samahan nilang tatlo nina Kakai at Derrick, “Sa ‘Bulaga,’ ang kasama ko JoWaPao, pero itong dalawa na ‘to parang ‘yun ding mga kasama ko. Hindi ko alam kung sino si Wally, kung sino si Pao sa dalawa pero napakagaling nung drive nila. Parehong magaling.”

Ang “Catch Me Out Philippines” ay mapapanood na ngayong Feb. 6, 7:15 p.m. sa GMA 7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.