Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jose Mari pinaglaruan ang Pamaskong kanta

0 170

NI: ARCHIE LIAO

Naisipan ng singer-songwriter na si Jose Mari Chan na baguhin ang ilang lyrics ng kanyang awiting “Let’s Stop and Talk Awhile” na sumikat noong ‘80s.

Ito ay ginawa niya para umayon sa ‘new normal’ sa panahon ng pandemya.

Sa bagong bersyon nito, ipinalit niya ang mga salitang “facetime”, “chat”, “internet” at “quarantine” sa ilang bahagi ng kanyang makabag-damdaming kanta na hanggang ngayon ay maituturing na ‘timeless classic.’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lalo namang humanga ang netizens sa 75-year old singer dahil patuloy pa ring nakapagbibigay ng aliw. Nakapaghahatid pa rin ng inspirasyon sa panahong dumadaan ang ating mga bansa sa matinding krisis dala ng COVID-19.

Sa pagpasok ng ‘ber months,’ bukambibig na naman ang kanyang mga awiting Pamaskong pinasikat.

Ginawan ng netizens ng nakakatuwang ‘memes’ ang kanyang kantang “Christmas in our Hearts”. Siningitan nila ito ng salitang “face masks”, “feeling sick”, “sneezing gifts, exchanging coughs”, “symptoms” at “lungs.”

Kamakailan lang, ipinagdiwang ang ika-30 taon ng awiting ito na talaga naman tumatak sa puso ng mga Pinoy kahit ng mga makabagong henerasyon.

“Now i wear a face mask!” ani Jose Mari, “It’a sad time now but I feel blessed that a Christmas song I wrote three decades ago continues to be loved and sung today,” dagdag pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.