Abante Tonite Interactive

Jose yummy kay Pokwang

679

Lucy Liu ang peg ni Pokwang sa pelikulang “Mission Unstapobol: The Don Identity” na kalahok sa ika-45 na edisyon ng Metro Manila Film Festival.

Sey ng komedyana, sumabak daw siya sa umaatikabong aksyon sa heist movie na idinirek ni Michael Tuviera at prinodyus ng APT Entertainment.

Hirit pa niya, malaking tulong daw ang flexibility niya as a dancer kaya naitawid niya ang action sequences sa pelikula.

May dance number din daw sila ng idolo niyang si Bossing Vic Sotto na nakasama na niya noon sa “Pak! Pak! My Dr. Kwak!”

Pero sa lahat daw ng nakatrabaho niya sa nasabing filmfest entry, para sa kanya si Jose Manalo ang pinaka-yummy.

Tsika pa niya, kung wala nga raw siyang asawa, baka ma-fall siya rito.

Sobrang bilib din siya kay Jose, dahil hindi lang daw ito puro patawa. Malalim din daw ito bagama’t hindi alam ng marami na itinatago raw itong intelligence.

Ginagampanan ni Pokwang ang role ni Don Zulueta, isa sa mga recruit ni Don Robert Fortun (Vic Sotto), isang master strategist na ang misyon ay kunin ang kayamanang Pearl of the Orient Seas sa kanyang ganid na kapatid sa kagustuhang malinis ang kanyang nadungisang pangalan.

Bukod kina Vic at Jose, kasama rin sa cast ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” sina Maine Mendoza, Jake Cuenca, Jelson Bay at Wally Bayola. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad