Abante Tonite Interactive

Joseph-Ritz paeklay ang ligawan blues

392

Matutuloy kaya sa isang relasyon ang special na pagkakaibigan na namumuo kina Ritz Azul at Joseph Marco?

May palitan ng messages sa Twitter ang dalawa na nagpapahiwatig ng special bond sa kanilang dalawa.

Pero sa finale presscon ng “Los Bastardos” ay sinabi nina Ritz at Joseph na nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila.

Hindi rin masagot ni Joseph kung liligawan niya si Ritz. Wala pa ring direktang sagot si Ritz kung sasagutin niya si Joseph ‘pag nanligaw ito.

Patapos na ang “Los Bastardos” in two weeks. Magtutuloy-tuloy ba ang line of communication kina Ritz at Joseph kahit tapos na ang “Los Bastardos”? ‘Yan ang question na dapat nating abangan ang sagot.

Showbiz nagluluksa kina Direk Mel, Isah Red

Nagluluksa ang showbiz sa pagpanaw ng dalawang showbiz personalities – ang batikang director na si Mel Chionglo at ang dating entertainment editor ng Manila Standard na si Isah V. Red.

Si direk Mel ay kilala sa mga movies niya tulad ng “Playgirl” ni Gina Alajar at “Lagarista” na bida si Piolo Pascual.

Malaking kawalan ang pagkamatay ni Direk Mel, lalo at malaki ang involvement niya sa taunang Cinemalaya Independent Film Festival.

Kilala bilang mataray si Isah Red pero marami ang ‘di nakakaalam na soft hearted din ito.

‘Yung pagiging mataray niya ay may halong lambing. Kahit na nagtataray siya, may nakahanda pa rin naman siyang matamis na ngiti pagkatapos.

Si Isah ang president emeritus ng SPEEd, ang Society of Philippine Entertainment Editors, which gives out the yearly Eddys Awards.