Abante Tonite Interactive

JoshLia hiwalay na

By , , , ,
2,568

MILDRED BACUD­: Mahina sa takilya ang first day of showing ng pelikulang ‘I Love You, Hater’ na naka-P5.5 million lamang. Wala na ba ang magic ng JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto? Nakaapekto kaya ang tsika na kinikiyeme na lamang daw nila ang mga fan, na ang totoo hindi na sila in real life? Wala rin bang tulong ang pagbabalik ni Kris Aquino sa big screen?

RODEL FERNANDO: Sa totoo lang, ito ang mahina
ng pelikula nina Joshua at Julia sa opening day pero sabi bu­mabawi na dahil sa word of mouth. Hindi malayong ma-meet din ang P100M gross sa takilya. Idagdag pa ang kabi-kabilang block screening ng mga supporter at fan ng tatlong star ng pelikula.

In fairness maganda ang movie at talaga namang may moral lesson ito bukod sa husay sa pag-arte ng dalawang bida. Hindi rin naman din nagpatalbog si Kris. Hindi siya OA sa eksena nila nina Joshua at Ronaldo Valdez. Napaiyak niya ako huh!

Pero teka lang sa block screening ng movie na ginanap sa VIP cimema ng Fishermall na inisponsoran ng Tropang Joshua ay kapansin-pansin ang lungkot sa mata at mukha ng magaling na batang aktor. Bakit kaya, Rommel Lasam Placente?

ROMMEL PLACENTE: Sa naririnig ko kasi, kaibigang Rodel, balitang tinuldukan na ng dalawa ang kanilang relasyon. 

Diumano’y break na sila kaya malungkot si Joshua sa BS ng ‘I Love You, Hate­r’ na dinaluhan natin. Totoo raw na nagkaroon sila ng relasyon na ‘di naman nila inamin, lalabas at lalabas din naman ang katotohanan kung naging sila nga at ngayon ay hiwalay na. Pero kung totoong break na nga sila at aaminin nila ‘yun, ay baka buwagin na ang kanilang loveteam. Paano pa kasi silang tatangkilikin ng kanilang mga fan na ang gusto ay maging for real ang kanilang loveteam.

Regarding sa ka­nilang movie, they’re both good in their performance lalo na sa kanilang confrontation scene. Bukod sa tala­gang mahuhusay silang artista. Hindi kaya ang dahilan ay hiwalay na sila noon pang ginagawa nila ang naturang pelikula? Dahil dito, nailabas nila nang husto ang kanilang emosyon?

Sana kung maayos pa nila ang kanilang relasyon ay maayos pa nila. Bigyan pa nila ng second chance ang isa’t isa. May kasabihan nga tayo na love is lovelier the second time around.

RONALINE AVECILLA: Tama ka diyan, Rommel! Love na love pa naman sila ng mga fan at iba ang chemistry nila. Pero sa sobrang galing nilang umarte ay hindi mo mahahalata sa pelikula na may something na palang hindi maganda sa kanila.
Maging si megastar Sharon Cuneta nga ay sobrang proud sa kanila. Sa pag-entrada tuloy ni Mega ay hindi maiwasan na ikumpara ang pelikulang ‘Unex­pectedly Yours’ sa ‘ILYH’.

Pumatok naman kasi talaga ang ‘Unexpectedly Yours’. Lalo na sa mga Tita’s of Manila. Pero dahil na rin sa effort ni KCA at isa-isa pa niyang pinapasala­matan ang mga taong hindi raw siya iniiwan hanggang ngayon. Kumbaga, patuloy na sumusuporta sa kanya. Bumabawi ang ILYH sa huli ! Ika nga, “Save the best for the last.”
JoshLia hiwalay na