Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JoshLia nagpaiyak sa V-Day

0 62

Humagulgol ang mga JoshLia fan sa bagong music video (MV) ni Moira dela Torre. ito’y para sa kanta niyang “Paubaya.”

Balik-tambalan kasi sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Nagpalitan pa ng mabibigat na linya na umano’y true to life daw.

Sa unang bahagi ng MV, makikita ang dalawa na masaya. Hanggang sa nag-usap sila sa simbahan .

“I’m sorry Josh, napagod ako. I’m sorry nawala ako, natakot ako kasi hindi kita mahanap noon,” sambit ni Julia habang umiiyak.

“Binigay ko sa’yo lahat. Naubos lang ako. I’m sorry nasaktan kita,” dagdag pa niya.

“Sorry. Sorry kung wala ‘ko nung mga panahon na kailangan mo ‘ko,” tugon naman ni Joshua.

“Sorry kung wala ako nu’ng kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan. Natakot ako, sobra. Pero gusto ko andun ako. Gusto ko nandun ako nu’ng nasasaktan ka, pero wala. Siguro alam ko na rin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa,” pagpapatuloy niya.

SM food to go Banner Ad

“Sinubukan naman natin di ba?” tanong ni Julia.

“Yeah. We tried,” ani Joshua.

Pagkatapos nito ay nagpasalamat ang dalawa sa isa’t isa kahit na hindi man naging happy ending ang kanilang relasyon.

“Hindi man natin nagawa ‘yung mga pangarap natin, masaya na ako sa pinagsamahan natin. Masaya ako na masaya ka,” sabi ni Joshua sa kanyang ex.

“Gusto ko na maging masaya ka rin,” hiling naman ni Julia sa dating nobyo.

Matatandaang naghiwalay ang dalawa noong 2019.

Kasalukuyang pumalo na sa mahigit 468K ang mga nakapanood ng naturang MV. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.