Abante Tonite Interactive

Joshlia sakit sa ulo ng management

612

Pilit pinagbabati

Nahihirapan umano ang management kina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Apektado raw kasi ang mood ng dalawa na nakakagulo sa trabaho nila.

Kaya naman pilit silang pinagbabati dahil kailangan na raw matapos ang pelikulang ginagawa nila, ang “Block Z.”

Well, malabo na yatang mabalik sa dati ang relasyon ng JoshLia dahil hindi pa man din okay ay may lumabas na namang isyung sabay daw nag-gym sina Julia at Gerald Anderson.

Tapos na ang naturang movie na hindi rin maganda ang naging resulta sa takilya pero bakit nga ba hindi pa rin namamatay ang isyu sa kanila? (Mildred Bacud)