Abante Tonite Interactive

JoshNella pang-asar kay Julia

975

Marami ang kinikilig sa tambalan ni Janella Salvador at Joshua Garcia sa nagtapos na serye na “The Killer Bride”. Tiyak na marami ang makaka-miss sa tambalan nilang nag-click sa masa.

Maging ang co-star at tita ni Janella na si Maja Salvador ay kapansin-pansin ang pagiging boto sa love team nila. Isang sweet na mensahe pa nga ang ibinahagi niya para kay Joshua sa Instagram.

Kumakalat naman ngayon sa socmed ang mga sweet na larawan ng JoshNella mula sa after-party ng nagtapos na serye. Ibinahagi pa ito ni Joshua nitong Linggo sa kanyang Twitter account.

Caption niya, “Bawat daan.”

Ito na ang ikalawang larawan nila ni Janella na ipinost niya.

Pakiramdam ng netizen, tila inaasar niya ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto.

Matatandaan na nitong January 12 naunang nag-post si Joshua ng larawan nila ni Janella.

“I am lucky to have a friend like you,” saad ng caption.

Hinala ng iba ay naaapektuhan si Julia sa namumuong relasyon ng JoshNella kaya nagkaroon ng unfollow issue sa kanilang tatlo. (Rona Ronda)