Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua 2 babae ang pinalit kay Julia

0 425

Important star pa rin talaga si Joshua Garcia sa Kapamilya Network. Tatlong teleserye lang naman ang gagawin niya this year. Mag-uumpisa na ang taping ng isa sa May. Sa Hunyo naman ang start ng serye nila ni Nancy McDonie kung saan pinalitan niya si James Reid .

May nagkumpirma naman na sa amin na sure ng magkakatrabaho ang dalawa. Ang isa pang serye na usap- usapan na gagawin niya ay ang Darna na pinagbibidahan nila ni Jane de Leon.

Kaya babawi raw this year hanggang next year ang magaling na aktor. Matuk mo, dalawang babae ang ipapalit kay Julia Barretto.

Tinanong namin ang aming source kung may project ng aktres dahil nga sa success ng kanilang MTV na Paubaya. Nagkaroon kasi ng usap- usapan na gagawa sila ng movie. Wala raw sey niya.

Kung sabagay ngayon na lantaran na ang relasyon nina Julia at Gerald, wala nang magiging dating kahit pa pagtambalin ang JoshLia.

Kiko, Heaven keri na magdyowa

Sa pag-amin ni Kiko Estrada na single siya sa programang Magandang Buhay, patunay rin na walang namamagitan sa kanila ni Heaven Peralejo. Naghiwalay ang aktor at ang dating nobya na si Devon Seron nitong Marso .Tinuturong third party ng kampo niya ay ang co-star ng aktor sa Bagong Umaga na si Heaven. Itinanggi na ito ng aktres.

Wala rin talagang swerte sa relasyon si Kiko, from Kim Rodriguez at Devon.

Bata pa naman siya pero malay natin kung maging sila ni Heaven na single pa rin naman after her relationship with Jimuel Pacquiao.

Gerald nagmukhang gurang kay Barretto

Kung nag-guest sa vlog ni Gerald Anderson si Julia Barretto, sa latest vlog ng aktres ay ang nobyo naman ang guest niya. In fairness 2 days pa lang ay 1.1 million na ang views. Ibig sabihin lang marami na ring netizens ang tanggap ang relasyon nila.Sa comment box kasi pansin namin na marami ang positive comments at mangilan-ngilan na lang ang bash. Unless intentionally ay tinatanggal ang mga bad comment ng admin ni Julia. Napansin lang namin bilang babae na parang mas in love si Julia kay Gerald although malalagkit din ang mga titig ng aktor. Pero kung may isa pa akong napansin ay ang hitsura ng aktor na parang ang laki ng tinanda. Halata talaga ang age gap sa kanila. Halata na rin ang pagtaas ng hairline ni Gerald kaya naman naba-bash ng ibang netizens na parang tiyuhin na raw siya ni Julia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.