Abante Tonite Interactive

Joshua at Jerome aminadong hindi na Virgin

By
12,162

Hindi itinanggi nina Joshua Garcia at Jerome Ponce kay Vice Ganda na nakatikim na sila ng luto ng Diyos. Ngumiti lang sila bilang sensyales na hindi na sila virgin nu’ng tanungin sa Gandang Gabi Vice.

Maraming rebelasyon ang nangyari dahil inamin ni Joshua na nag-uulit siya ng suot na briefs pag nasa beach. Kumbaga hindi niya pinapalitan.

Nagawa na rin nilang makipag-usap sa ex nila dahil katrabaho ni Jo­shua si Loisa Andalio sa ‘The Good Son’. Ganoon din daw si Jerome kay Elisse Joson.

Related Posts

Tahimik ngayon ang lovelife ni Jo­shua dahil bati na sila ni Julia Barretto.

Inamin naman ni Jerome na may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nila ng volleyball star na si Mika Reyes. Nagalit daw si Mika dahil mas nagkaroon ng oras si Jerome sa mga kaibigan niya sa teatro kesa sa kanya. Pabiro pang sinabi ni Jerome na blocked na siya ni Mika sa social media at sa cellphone. Pero naniniwala ang young actor na magkakaayos din sila.

Kailangan lang daw ng time para mag-usap. Anyway, nasa huling Linggo na ang The Good Son.