Abante Tonite Interactive

Joshua bad shot kay Dennis

432

Clueless ang magaling na komedyanteng si Dennis Padilla sa napapabalitang nagkakalabuan na umano ang kanyang anak na si Julia Barretto at Joshua Garcia.

Mula raw nang mapabalita noon na may ibang babaeng ka-chat ang young actor ay never pa raw nag-attempt ito na mag-reach out sa kanya.

“I’m still waiting for Joshua to reach out to me. Mukhang hindi naman ‘ata kaya niya eh saka mukhang wala siguro sa personality niya ‘yun na nagri-reach out na ganon,” aniya.

Sey pa niya, bihira rin daw kasi silang mag-usap ng anak dahil pareho silang busy.

“Hindi ko masyado nakakausap si Julia kasi alam niya na medyo bad shot sa akin si Joshua kaya hindi na siya nag-open up sa akin,” hirit pa niya. (Archie Liao)