Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua ‘binasura’ si Julia; Janella pinili

0 356

Ni: Archie Liao

Nagkaroon ng surprise appearance si Joshua Garcia sa benefit fundraising show ng Kapamilya network sa ikalawang pagkakataon kamakailan.

Sa nabanggit na event, natanong ng host na si Darla Sauler sa actor kung kaninong leading lady siya nagka-crush nang malala.

Hirit naman ni Daniel Padilla na kasama ni Joshua sa nasabing okasyon, kilala raw niya kung kanino tinamaan ang huli nang malala noon.

Ibinulong pa ni DJ ang sagot niya sa katabi nitong si Zanjoe Marudo na ipinasa naman ang bulong kay Hyubs Azarcon.

Sa huli, kinumpirma naman ni Joshua na sobra siyang infatuated noon kay Janella Salvador na nakasama niya sa seryeng “The Killer Bride.”

Sa kanyang sagot, mega react naman ang kibitzers at look na lang sa sky sa kanyang showbiz na answer.

Hirit nila, inilaglag daw ni Joshua ang ex na si Julia Barretto na ngayon ay girlfriend na ni Gerald Anderson.

Si Joshua ang latest addition sa grupong Nguya Squad ni Daniel na umano’y ipinalit ng huli kay Dominic Roque..

Leave A Reply

Your email address will not be published.