Abante Tonite Interactive

Joshua halimaw

By
3,578

MARAMI ang nagulat at hindi makapaniwala nu’ng Biyernes ng gabi sa The Good Son nang big­lang pinatay sa eksena si Raquel, ang karakter ni Mylene Dizon.

Marami ang nabigla at nagsasabing sana raw ay ‘panaginip scene’ lang ‘yun.

Hindi na namin napapanood ang naturang soap since magkaroon na ito ng magulong twist, pero sa mga reaksyon na aming narinig, mukhang tutok na tutok pa rin ang sambayanan sa mga kaganapan dito.

Puring-puri nila ang husay ni Joshua Garcia sa naturang episode. Halimaw raw ito sa acting at marami siyang pinaiyak sa mga televiewers.

Marami naman ang nagagalit sa eksena ng mga pulis sa soap .Nag-iisang kriminal daw ang hina­hanap nila pero hindi mahuli-huli hahahaha!

At sa takbo ng mga pangyayari, tila meron pang mga kakaibang pasabog na magaganap bago mag-ending ang ‘The Good Son’.

Katarina sinopla sina Maggie at Bea

TAMA naman ang sinabi ng first runner-up 2017 Miss Intercontinental na si Katarina Rodriguez. Sa ayaw at sa gusto ng mga former beauty queens na sina Maggie Wilson at Bea Rose Santiago, Best in Swimsuit pa rin si Catriona Gray sa nakaraang Binibining Pilipinas 2018.

Hindi lang kasi nagmumukhang ‘inggitera’ ang dalawa, kinuyog pa sila ng netizens at mga fan ni Catriona. Sa pa­nganganak ng mga isyu, hayun, ultimo mga personal na buhay nila at kagandahan ay naging laman ng mga bashing.

Sila rin ang nag-imbita sa publiko na batikusin sila. Kinakalkal tuloy ang mga buhay-buhay nila. Nadamay na rin pati pamilya nila.

Kung uso na sana noon ang social media eh, ‘di sana baka nga mas grabe pa ang inabot nilang pamimintas o opinyon sa mga napanalunan nila. ‘Di ba, Roldy?