Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua inaway ni Vice; Ruffa sinisi

0 391

Dalawang araw nang pinagtitrip-an ni Vice Ganda si Joshua Garcia at ang tawag niya ngayon sa aktor ay “lutang.”

Nagsimula ito nang mag-guest bilang hurado si Joshua sa Showtime Sexy Babe ng It’s Showtime last Tuesday, May 10. Kasama rin ng aktor bilang judge ang co-star niya sa Viral Scandal na si Charlie Dizon.

Bilang hurado, siyempre ay magsasabi sila ng kanilang opinyon tungkol sa mga contestant. Nang tanungin si Joshua kung ano ang masasabi niya sa isang sexy babe, ang tagal na hindi nakasagot ng aktor.

Sumagot naman siya after a few minutes pero halatang hindi nasiyahan si Vice Ganda sa kanyang sagot. Talagang makikita ito sa kanyang facial expression.

“’Yung nagbubulungan kami, anon’g nangyayari kay Joshua,” natatawang sabi ni Vice after magsalita ni Joshua. Tanong pa niya sa aktor, “anon’g nangyayari sa ‘yo?”

Katwiran naman ni Joshua, “hindi kasi ako prepared, eh. Kasi, galing kaming kuwentuhan, akala ko, hindi kami matatanong, eh.”

Sagot naman ni Vice, “so, hindi kayo na-orient kung ano ang gagawin? Nakakaloka!”

Dagdag pa niya, “mamaya iyugyog n’yo ‘yan para magising.”

Kinabukasan ay hindi na si Joshua ang judge at sa halip ay ang isa pa niyang co-star sa Viral Scandal na si Jameson Blake ang kinuhang kasama ni Charlie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

After ng comment ni Jameson ay pinuri ni Vice ang aktor at ikinumpara kay Joshua.

“O, ‘yon! Ganu’n ‘yun, Joshua. Hindi ‘yung idinadaan sa papogi niya,” sey ni Vice.

Kuwento pa niya, inaway-away raw niya si Joshua pero bumawi rin naman si Vice at aniya, “love you, Joshua!”

Sabi ni Vhong Navarro, “balik ka, Joshua.”

Sagot ni Vice, “’wag na. Matutulog siya, pagpahingahin mo muna ‘yung bata. Pagod din naman, naiintindihan namin.”

Hindi pa rito natapos and the following day, Thursday, pinag-usapan naman nila si Joshua. Kuwento ni Vice, nag-text daw sa kanya ang aktor at napanood daw nito ang show kahapon na ginawa siyang pulutan.

Sinisisi raw ni Joshua ang co-judge na si Ruffa Gutierrez dahil daldal daw ito ng daldal habang nasa panel sila kaya hindi siya nakapag-focus sa mga contestant.

Sagot naman ni Ruffa, “hello, you can talk to me and at the same time, judge.”

Gusto raw bumawi ni Joshua pero biro ni Vice, hindi na raw nila pababalikin ang aktor. Hahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.