Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua inokray akting ni Jane

0 208

Sa vlog na Showbiz Update, ibinahagi ni Mama LoI Villarama ang kanyang tsikang nasagap tungkol kina Joshua Garcia at Jane de Leon.

Si Joshua kasi ang leading man ni Jane sa pinabagong bersyon ng fantaseryeng Darna ng Kapamilya network.

Aniya, ikinukuwento raw o pinagsasabi ni Jane na binu-bully siya ni Joshua sa set ng kanilang serye.

Pag may akting-aktingan daw si Jane ay nagre-react si Joshua ng tila may panunuya na “Iyon na yun?” na waring nakukulungan at inookray ang pag-arte ng aktres.

Pagtatanggol naman ni Mama Ogie Diaz, aral daw si Joshua kay Direk Cathy Garcia Molina at hindi malayong sa film director nito namana ng ang istilo ng pang-ookray kay Jane.

Pang-uurot naman ng iba, hindi raw kaya ang pang-ookray ni Joshua kay Jane ay mauwi sa mas magandang ending at magkadevelopan ang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.