Abante Tonite Interactive

Joshua-Janella posibleng ma-develop

0 368

Magkaibigan sina Julia Barretto at Janella Salvador at nalipat naman sa ‘best friends’ status ang relasyon ngayon ng dating magkasintahang Julia at Joshua Garcia.

Sina Janella at Joshua ay magkapareha sa bagong simulang primetime TV series na “The Killer Bride” na tampok din sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.

Maaga pang sabihin na posibleng magkaibigan sina Joshua at Janella but in the course of the TV series ay puwede silang magka-debelopan. But as much as possible ay ayaw nilang magkaroon ng relasyon liban sa pagiging magkaibigan bilang respeto na lamang sa pagkakaibigan nila nina Julia.
Kaya kayang pangatawanan ito nina Joshua at Janella?

Leksyon sa kalalakihan ang isyu kay Gerald

Bakit kaya naging ‘national issue’ ang kontrobersiyang kinasangkutan ng dating magkasintahang Bea Alonzo, Gerald Anderson at kung saan nadawit ang pangalan ni Julia Barreto?

Tiyak na magiging aral sa marami lalo na sa mga kalalakihan at sa mga babae na rin ang nangyari sa tatlo.

Pero saan man makarating ang usaping ito na unti-unti na ring nagda-die down.

Bea, Gerald and Julia are probably now in the process of healing and moving on sa kanilang respective lives pero patuloy pa rin aabangan hindi lamang ng netizens kundi maging ng publiko in general kung magpapatuloy ang ‘relasyon’ sa pagitan nina Gerald at Julia.

Gabby tinuluyan si Kris

Out na ang bagong Kapuso actor na si Derek Ramsay sa Metro Manila Film Festival movie, entry na “(K)Ampon”. Supposed to be, pagtatambalan sana nila ito ni Kris Aquino under Quantum Films which Kris is co-producing under her own K Productions.

Umatras umano si Derek sa nasabing proyekto dahil sa kanyang mga prior commitments. Dahil dito, pinalitan siya ni Gabby Concepcion.
Tiyak na muling gagawa ng ingay ang movie nina Gabby at Kris dahil nagkaroon sila ng relasyon noong nasa puwesto pa ang ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino (from 1986 to 1992). Napakabata pa noon ng ina nina Joshua at Bimby.

Sa kabila ng pagiging Presidential daughter at that time ni Kris, hindi napigilan ng mga Presidential guards ang pagka-in love niya kay Gabby.

Nakuha pang isama ni Gabby si Kris noon (along with her battery of Presidential guards) sa rest house ng aktor sa Anilao, Batangas.

Although single ngayon si Kris, masaya naman si Gabby sa piling ng kanyang ikatlong wife na si Genevieve Yatco Gonzalez-Concepcion. 15 years na sila. Parehong babae ang kanilang anak na sina Samantha at Savannah.