Abante Tonite Interactive

Joshua at Julia eklat to the max

6,808

AYAW pumayag ni Julia Barretto na wala silang label ni Joshua Garcia pero hindi naman din niya maamin ang tunay nilang estado.

Sa guesting nila sa Magandang Buhay kamakailan ay tinanong sila ng host na si Karla Estrada kung happy na ba silang ganyan muna na walang label at kinontra ito ni Julia.

“Parang mali namang sabihin na no label, Tita Karla kasi siyempre, I also respect myself as a woman. So, siyempre, hindi naman ako magiging ganito towards a guy who does not mean anything to me or who’s not special with me.

“Siyempre, you know, there’s something there, but you know, guys, this is reality. Hindi rin naman kami pwede ring magsabi lang ng mga bagay na ganu’n, but we’re so lucky na we have supporters who are so respectful sa gusto na­ming itago sa sarili na lang muna namin,” pahayag ni Julia.

Singit naman ni Joshua, “saka, ano siya, eh, masyado siyang private, matago. So, parang hindi siya ready.”
Ayon pa kay Joshua, aamin naman din daw sila sa tamang panahon.

“Siguro, naghihintay lang kami ng perfect time para sabihin. Pero siyempre, kita n’yo naman na sa aksyon namin kung ano ang nararamdaman namin sa isa’t isa,” sey ni Joshua at saka pabirong sundot, “kita n’yo naman sa tingin pa lang niya sa akin, ‘di ba?”

Sigawan ang mga nasa audience sa sinabi ng young actor.
Oo nga naman, kitang-kita na nga naman at hindi na kailangang umamin pa.

Carlo Aquino ginagaya si Angelica

TILA nahahawa na si Carlo Aquino sa ex-girlfriend na si Angelica Panganiban dahil may hugot line na rin siyang tini-tweet ngayon.

“Kailan huhupa ang lamlam ng iyong puso?” ang tweet ni Carlo nun’g isang araw.

This made us think na mukhang hindi pa talaga nakaka-recover ang aktor sa break-up nila ni Kristine Nieto.
May mga nagpayo naman sa kanya ng seryoso at mayroon ding pabiro.

Sagot ng isa, huhupa rin daw ‘yan kung bibigyan ng aktor ang chance ang puso nito na pumunta kay Angelica. Hahaha!
May sumagot din na “Bat mo pa kasi pinakawalan dati c @IamAngelicaP huhupa lang yan pag nagkabalikan kayo.”

May nagkomento naman na “kapag tanggap mo na at kaya mo ng ngu­miti kahit may konting pait.”

Pero pinakamaraming komento talaga ay ang pagpu-push na maging sila na lang sana ulit ni Angelica.

Well, sa rami ng supporters ngayon ng CarGel loveteam at naghaha­ngad na maging sila ulit, anumang reunion project na gawin nila ngayon ay tiyak na maghi-hit.