Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua kinabog si Gerald

0 321

Patuloy ang pagiging trending topic sa Twitter ni Joshua Garcia pagkatapos na maglabas siya ng kauna-unahang TikTok video.

Sa kanyang viral na video, ipinakita ng Kapamilya actor ang kanyang moves ala “Ginseng Strip 2002”.

Simple lang ito at wala pang paharot pero humamig na agad ito ng more than 4 million likes mula nang lumabas ito.
Ang nasabing Tiktok account naman ay meron na agad approximately 2 million subscribers.

Ang video naman niyang na-upload ay merong 21.3 million views at 95.4 thousand comments.

Hirit tuloy ng ilang kibitzers, effortless pa raw ang cute na payanig ni Joshua.

What more raw kung may complete dance moves daw ito with matching pang-akit ng kanyang tantalizing eyes, eh di mas pumatok daw ito.

Sey pa nila, kinabog din daw ni Joshua si Gerald na sa kasalukuyan ay may 4. 1 million Instagram followers kumpara sa boyfie ni Julia Barretto na may 1.1 million subscribers.

May nang-uurot tuloy na kumasa rin si Gerald sa dance challenge ala Magic Mike o kayaý mag-macho dancing para pag-usapan ito sa kanyang socmed account.

Jaclyn de keri gayahin si Andi

Sa tsikahan sa vlog ng talent-manager turned vlogger Ogie Diaz, naibahagi ng Cannes award-winning actress ang kanyang pinagdaanan bilang artista.

Aniya, wala raw talaga siyang hilig mag-artista kundi ang ina niya ang pursigido siyang mag-showbiz.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Breadwinner daw sa pamilya noon ang kapatid niyang si Veronica Jones.

Pero nang lumaon daw, pagkatapos ng kanyang break sa pelikulang “Chikas”, nagtuloy-tuloy na raw siya.

Siya na rin daw ang sumalo ng responsibilidad ng pamilya nang mag-lie low sa showbiz ang kanyang ate.

Nang manalo raw siya ng Urian best actress para sa pelikulang “Takaw Tukso”, naging daan daw ito para makatrabaho niya ang mga batikan at award-winning director tulad nina Brocka, Rono, Lamangan at iba pa.

Aniya, minahal daw niya ang kanyang craft at kung papipiliin daw siya, kaya niyang ipagpalit ang kanyang karera sa kanyang mga anak.

Katuwiran niya, paano raw niya ipagpapalit ang propesyong bumubuhay sa kanyang pamilya.

Sa naturang vlog, ibinahagi rin niya na never daw siyang humingi ng sustento sa mga ama ng kanyang anak, not unless na magkukusa ang mga ito.

Namatay din daw ang yumaong actor na si Mark Gil, ama ni Andi, na never silang nag-uusap.

Pinalaki rin daw independent ang kanyang mga anak para maagang matuto sa buhay.

Sey pa niya, sobrang proud daw siya sa kanyang anak na si Andi dahil kaya nitong isakripisyo ang lahat para sa kanyang pamilya.

Tinalikuran daw nito ang karangyaan at niyakap ang simpleng pamumuhay para lamang sa kanyang pamilya sa Siargao na para sa kanya ay hindi niya kayang gawin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.