Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua may bagong love

0 968

Pagkatapos ipaubaya ni Joshua Garcia si Julia Barretto kay Gerald Anderson, nakatagpo naman ng bagong love ang aktor.

Proud niyang ibinahagi ito sa kanyang Instagram account.

Pero, hindi isang girl ang bago niyang inspirasyon kundi isang golden retriever puppy.

Sa post, buong pagmamahal niya itong pina-pamper habang hina-hug.

May caption itong:” I promise I’ll take care of you.”

Yes, certified dog lover na rin ang aktor.

Katunayan, hands-on siya sa pag-aalaga sa kanyang pet na si Marley dahil siya mismo ang nagpapaligo at nagte-train dito.

Espesyal kay Joshua ang nasabing aso dahil regalo ito sa kanya ni Moira dela Torre. Siya ang singer at producer ng kanilang nag-trending na music video ni Julia na Paubaya .

Agad namang nag-comment si Moira sa nasabing photo na “match made in heaven.”

Sinusugan naman ito ng ilan sa pagsasabing ang tuta ay isang “”paw-baya.”

Sharon bet ‘lahian’ ni Pierre si KC

Ngayong pandemya, nami-miss ng megastar na si Sharon Cuneta ang mag-travel.

Nakaugalian na kasi ng pamilya niya ang magbakasyon abroad kahit once a year pero dahil sa pandemya, maraming nadiskaril sa kanyang mga plano.

Sa kanyang Instagram post, hindi napigilan ng beteranang singer-actress ang mag-senti dahil sabik na siyang makapagliwaliw.

Ani Sharon, sana ay magamit niya ang kanyang pinakatatagong passport pagkatapos ng pandemic.

Nabanggit pa niya sa naturang post na nami-miss niya at ng kanyang family ang ex ng panganay na si Pierre Plassart.

“Thank you to @peplassart & @itskcconcepcion for this precious passport case. The kids & I miss you, Pierre,” ani Sharon.

Dahil dito, naintriga ang ilang kibitzers lalo pa’t matagal nang ‘break’ ang kanyang dalaga sa French businessman at film producer.

May mga nag-circulate tuloy na baka totoong nagkabalikan na si KC at ang kanyang foreigner na ex.

Tanong naman ng ilan, hindi raw kaya si Pierre ang bet ng Megastar na maging sperm donor ni KC kung sakaling mag-decide itong magpa-surrogate?

Alessandra rumesbak sa basher

Hindi na naman nakaligtas sa pamba-bash sa trolls at DDS dahil sa komento niya tungkol sa tumataas na kaso ng Covid-19 sa bansa.

“11k cases naman. Di bumababa. Lord heal us and lead us. Golf muna ako,”hirit niya sa Twitter account niya.

Sinagot naman agad ito ni Banat by ng : “Grabeh iba talaga nagagawa ng walang project. Pag laos ka na talaga need umepal ng bongga. Sige tweet pa baka sakali mabuhay ang patay mong career@msderossi.”

Sabat naman ng isang @mc_28T: “Hirap sayo! T___ takot ka pala magtrabaho dahil ayaw mo mahawa sa virus ano. Akala mo sa mga opisyal ng government na nagtratrabaho ngayong pandemic at maski president para hamakin mo? ”

Resbak naman ni Alex: “Ayoko dumagdag sa cases. Ayoko makahawa ng tao at magkaproblema pamilya nila. Ayokong unahin ako sa hospital dahil artista ako. Ayoko. Tah ka. 7 na lang followes mo. At wag moa ko murahin dahil blocked ka for sure. Gawa ka ng bago. Back to zero followers ka.”

Sa kabila naman ng bashing, nakakuha ng mga kakampi si Alex sa kanyang hanash sa Twitter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.