Abante Tonite Interactive

Joshua may speech coach para sa bagong serye

974

tonite-imo-vinia-vivarDahil ang role ni Joshua Garcia sa ‘Ngayon at Kailanman’ (NAK) ay isang binata mula sa isang rich and influential family, hindi nahiya ang young actor na amining may speech coach pa siya sa set para sa mga Ingles niyang dialogue sa mga eksena.

“Nakakapilipit din ng dila, eh. Pero kaya naman. Pasalamat din ako sa Star Creatives, kasi nagbigay talaga sila ng speech coach sa set. So, bago sumalang sa eksena, iko-coach muna ako ni ate,” pahayag ni Joshua.

Matindi raw talaga sa Inglesan ang karakter niya dito, “Nakakadugo ng ilong,” sambit pa ni Joshua.

Humanga naman ang co-star nina Joshua at Julia Barretto sa NAK na si Iza Calzado sa pagiging honest ng young actor.

“I want to say congra­tulations for even being open to being coached, coz some people won’t even want to be coached. ‘Di ba? And so, that’s good work,” sey ni Iza.

Pati ang isa pang cast na si Ina Raymundo ay nagpahayag din ng papu­ri kay Joshua dahil dito.

“Alam ko na kung ba’t na-in-love si Julia kay ano (Joshua). Kasi he’s so adorable. Napaka-hindi siya pretentious na tao, ‘di ba?” sambit ni Ina.

Kuwento pa ng aktres, nasaksihan daw niya ang pagsisimula ng loveteam ng JoshLia sa Vince and Kath and James na first movie ng dalawa wherein she was also part of the cast.

“Nasaksihan ko kung paano sila nagsimula na magkaibigan lang sila, ta­pos ngayon, magtu-two years na ang samahan n’yo, no? As a loveteam, ha? Alam na alam ko.”

Pag-ayon naman ni Julia, “Na-witness niya ‘yung nagpapa-cute pa si Joshua sa akin.”

Dugtong ni Ina, “Tapos si Julia, parang wala lang, barkada lang tayo.”

Pero ngayon, ang sweet na raw ng dalawa.

“Kahapon, nag-tapin­g kami, kinikilig ako sa ka­nila. Gusto kong maging 21 years old uli, ganu’n ang feeling. Ang sarap kasi ang sweet nila. Mapi-feel mo talaga ‘yung ano. And I’m so happy for them, I’m so happy na kasama ko sa Ngayon at Kailanman,” saad pa ni Ina.

After four movie hits, ang NAK ang first tele­serye ng JoshLia kaya sob­rang thankful ng dala­wa na finally ay natupad na ang hinihintay nilang magkasama sila sa isang drama series.

Magsisimula na sa August 20 ang NAK pagkatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Bela, JC may kirot sa dibdib

Kung sa ‘100 Tula Para kay Stella’ ay may mala­king pagmamahal para sa ka­rakter ni Bela Padilla si JC Santos, baligtad naman sa second movie nila ngayong ‘The Day After Valentine’s’, isa sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Napanood namin ang pelikulang idinirihe ni Jason Paul Laxamana sa red carpet premiere night held last Monday sa Trinoma at gusto naming i-congratulate ang dalawang bida sa mahusay na naman nilang pagganap sa kani-kanilang karakter as Kai (JC) and Lani (Bela).

Sa kuwento ay nagkakilala ang dalawa sa panahong broken-hearted­ si Kai at si Lani ang tumulong sa kanya para maka-move-on.

Later ay ini-reveal sa story na broken din pala si Lani at may sarili ring sugat na hindi pa humihilom.

Napakahusay ni Bela sa confrontation nila ng kanyang kapatid kung saan ay na-reveal nga ang traumatic experience niya sa pamilya.

Isa rin sa mga highlight ng pelikula ay ang napakagandang scenic spots sa Hawaii na ayon nga kay Direk Jason Paul Laxamana, first time raw na a Filipino film was shot sa nasabing lugar.

Tulad ng 100 Tula Para kay Stella, may kirot sa dibdib ang The Day after Valentine’s pero ‘yan nga ang dapat panoorin sa movie. Mukhang na-master na nina Bela at JC ang ganitong klaseng pelikula.

Graded A by Cinema Evaluation Board, the movie is showing today, August 15 in theaters nationwide.