Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua na-miss maging dyowa si Julia

0 97

Inamin ni Joshua Garcia na sobrang nami-miss niya ang presence sa buhay niya ng ex-girlfriend na si Julia Barretto.

Sa panayam kasi ng aktor with Bianca Gonzales for Cinema News at Home ay natanong siya kung ano ang pinaka-namiss niya kay Julia.

“Ang na-miss ko talaga kay Julia is ‘yung presence niya. Siyempre, iba rin naman ang feeling kapagka may karelasyon ka, ‘yung mga dyowa ka, ang sarap kaya nu’n,” pag-amin ni Joshua.

“Feeling ko, in general ‘yun na talaga, yung presence niya niya, ‘yung feeling na may kasama ‘ko sa lahat ng ginagawa ko, ‘yung parang team,” dagdag pa ng aktor.

As we all know ay matagal-tagal na ring break sina Julia at Joshua at ang paghihiwalay nila ang isa sa pinaka-kontrobersyal break-up among showbiz couples dahil sa rami ng issues at taong na-involve.

Pero ang maganda naman kina Joshua and Julia, madali silang nakapag-move-on at hindi naging problema sa kanila na magkatrabaho ulit sila kahit wala na sila. In fact, gumawa nga sila ng digital series na Love Unlock just recently.

Sa nasabing panayam pa rin ay sinabi ng aktor na hindi raw niya ine-expect na magkakatrabaho sila agad ni Julia pagkatapos ng mga nangyari.

“Hindi ko ine-expect na agad-agad na magkaka-work agad kami. Parang syempre, maliit lang ang industriya, sabi ko, magkakatrabaho at magkakatrabaho kami pero hindi pa ngayon.

“Feeling ko, baka bigyan pa kami ng project, baka next year pa or next, next year pa. Pero hindi ko ine-expect na ngayon din agad.

“Pero sa akin, wala namang kaso. Kasi okay naman ako kay Julia, wala naman kaming problema,” he said.

Kathryn may bagong sitcom sa Dos

Ibinalita ni Kathryn Bernardo sa kanyang recent online interview na may gagawin siyang bagong sitcom .

“May inaayos kami actually na digital project under ABS. ‘Yun yung gagawin namin. Mag-start na kami sa September i-tape ‘yung ilang episodes,” Kathryn was quoted to have been said sa kanyang exclusive interview.

Hindi man nabanggit kung sino ang kasama niya sa sitcom, mukhang wala namang iba kungdi ang ka-loveteam and boyfriend na si Daniel Padilla.

Nabanggit din ni Kathryn sa nasabing panayam na hindi na raw matutuloy ang pelikulang naka-line-up for her dahil nga sa COVID-19 pandemic.

“May mga fina-finalize pa kung ano ‘yung magiging plans for the movie kasi na-cancel siya because of COVID; kasi nga out of the country ‘yun and parang hindi magandang timing ngayon to make a movie. So basically, ‘yun palang sitcom,” aniya.

Ang pahayag na ito ni Kathryn ay pagpapatunay na Kapamilya pa rin sila ni Daniel sa kabila ng mga bali-balitang isa-isa nang nangangawala or pinapakawalan ang mga artista ng ABS-CBN dahil na nga rin sa franchise renewal denial.

Isa ang KathNiel loveteam sa prime artists ng ABS-CBN at ang alam namin ay hindi talaga sila basta-basta pakakawalan ng management lalo pa nga’t marami silang nakaplanong digital projects at buhay na buhay pa rin naman ang Star Cinema na movie arm ng network.

Samantala, marami ang nagulat sa pasilip ni Kathryn na backless photo sa kanyang Instagram account.Palatandaan na nag-mature na talaga siya at mukhang ready na sa mga mapangahas na role.

Leave A Reply

Your email address will not be published.