Abante Tonite Interactive

Joshua nahawa kay Julia

By
1,285

tonite-no-thanks-cristy-ferminMARAMING kuwento ng diumano’y kamalditahan ni Julia Barretto ang nakararating sa amin. Ni hindi raw siya makapagtapon ng ngiti, palagi raw nakasimangot ang young actress, may kuwento pa nga na dahil magkarelasyon sila ay nahahawa na rin sa ugali ni Julia ang kanyang boyfriend na si Joshua Garcia.

Pero tumututol ang isip namin sa mga kuwento, nasubaybayan kasi namin ang paglaki ng magandang young actress, mahiyain talaga si Julia. Kundi pa siya sabihan ng kanyang mommy o ni Claudine na lumapit sa mga reporter ay tahimik lang talaga siya sa isang sulok.

Ang kanyang Mama Pretty (Claudine) ang palagi niyang kasama nu’n, mahilig magsama ng mga pamangkin sa kahit saan si Claudine, kaya madalas naming makita at makasama nu’n si Julia.

Gusto na lang naming isipin na tulad ng ibang mga artista ay tao lang siyang napapagod, na­ngangailangan nang sapat na tulog at pahinga, kaya may mga pagkakataong parang nagsusu­plada siya. Hindi naman biro ang trabaho niya sa taping, nakakatatlo-apat na lipat sila ng location, kahit bagets pa ay susuko rin ang katawan sa ganu’n katinding trabaho.

Pero kailangang mulat si Julia sa mga ganu’ng pagpuna. Dapat ay alam niya kung ano ang saloobin ng kanyang mga katrabaho, lalo na ang pagpansin na maldita siya.
Malaki ang pagkakaiba ng pagod kesa sa maldita. Masarap magpakatotoo pero kung marami nang naaapektuhan ay kailangan nating makipagsalubong sa sitwasyon.()