Abante Tonite Interactive

Joshua nawala na ang lungkot

605

Kahit hiwalay kay Julia:

Sa mga love team na naghihiwalay, laging sinasabi na kawawa ang la­laki dahil mapag-iiwanan daw. Proven naman ‘yun sa malala­king tambalan na nabuwag. Pero mukhang hindi ito uubra sa ibang artista lalo’t ta­lentado.

Gaya na lamang ni Joshua Garcia na balitang itatambal na nga kay Janella Salvador.

Kung sa bagay, ang aktor naman daw talaga ang sumalba sa career ni Julia Barretto na ilang beses na ring tinambal sa iba pero hindi nag-click.

Bukod kasi sa ser­yeng ginagawa ni Joshua, ipapamalas na naman niya ang husay sa pag-arte via upcoming episode ng “MMK” bilang selebrasyon ng 28th anniversary nito. Makakasama niya ang baguhang young star, ang dating “PBB” housemate na si Aljon Mendoza.

Mukhang okay na raw si Joshua, sey ng aming source. Kung dati ay lagi siyang malungkot, ngayon ay bumabalik naman na sa normal. (Mildred Bacud)