Abante Tonite Interactive

Joshua pinakain ng mura

0 802

Ang sarap ng kuwentuhan nina direk Adolf Alix, Jr, Zanjoe Marudo, Joshua Garcia at Daniel Padilla sa Facebook live na #ExtendTheLove Presents Actors’ Cue na ginanap last Friday night. Pawang magagaling na artista kasi ang tatlo at ang napag-usapan ay puro tungkol sa mga karanasan nila bilang aktor. Kung ikaw ay isang baguhang artista, napakarami mong matututunan sa usapan nila.

Napag-usapan ang mga panahong baguhan pa sila and you’d be amazed na ‘yung gagaling nilang ‘yun ay napakarami ring hirap na dinaanan pagdating sa pag-arte.

Tulad ni Joshua na umaming katakot-takot na mura raw talaga ang kinain niya noong panahong nagsisimula pa lang siya. Na hindi mo aakalain dahil nga husay na nakikita natin ngayon sa kanya bilang isang aktor.

“Ang daming mura,” natatawang sabi ni Joshua habang nire-recall ang first teleserye niya sa ABS-CBN.

“Kumain ako ng maraming mura nu’n. Umabot ako ng 22 takes. ‘Yun ‘yung first teleserye ko, ‘yung Nasaan Ka Nang Kailangan Kita with Miss Vina Morales.

“Napagmura po ako ng direktor. Syempre, wala pa po akong masyadong alam sa acting. Pero ‘yun din ang naging dahilan, ‘yung mga inabot kung mura, kung bakit ako nag-workshop din. Parang ayoko rin naman na mukhang tanga ako sa set. Nakakahiya sa mga co-actors ko,” he said.

Padilla, Marudo pinagtawanan si Garcia

Nang matanong naman kung paano nila tinatrabaho ang rapport sa leading lady kapag gumagawa sila ng romantic-comedy project, itinuro nina Zanjoe at Daniel si Joshua since nasa kainitan pa ang huli ng paggawa ng mga ganitong proyekto.

Biro nga ni Zanjoe, “hindi ako magaling diyan.”

Sagot naman ni Joshua, “ako siyempre, sinisimulan ko sa dapat may matibay ka munang relasyon du’n sa ka-partner mo talaga para hindi ka naiilang pag kaeksena siya.”

Nagtatawanan sina Daniel at Zanjoe habang sinasabi ni Joshua ‘yun since of course, alam naman natin na nagkaroon naman talaga sila ng relationship ng dati niyang ka-loveteam na si Julia Barretto.

Eh dinagdag pa ni Joshua na talagang nai-in-love raw siya sa kapartner niya.

“May mga times na ‘yun, nai-in-love talaga ako sa ka-partner ko. May ganu’n talaga, eh. Sa akin, ha? Pero wala, eh. Partner lang kayo, eh,” sey niya.

Tawa nang tawa si Daniel at biniro si Joshua na “baka naman nai-in-love ka sa lahat ng partner mo, pare.”

Sagot naman ni Joshua, “hindi naman lahat. Kailangan lang, may bonding kayo, kailangan lang, friends kayo at kailangan, parehas kayo ng intensyon sa eksena. ‘Yun ang sa akin.”

Ang nakakatuwa, nang hindi pa artista si Joshua, ang unang-unang movie na napanood daw niya ay pelikula ni Daniel na years later ay makakasama niya pala sa pelikulang Barcelona.

“Actually, ‘yung Barcelona, ‘yun ‘yung pinakamalaking achievement sa buhay ko sa showbiz dahil simula nu’n, nagkaroon ako ng mga solo projects,” sey pa ni Joshua.

Daniel nag-throwback sa upak ng KathBie

Si Daniel naman, ang first project niya ay ang tv series na Gimik 2010 at nag-enjoy naman daw siya since mababait ang mga co-stars niya at siya ang pinakabata that time.

“Pero na-one time big time ako ni Miss Mylene Dizon, eh. Du’n ako parang naano na parang “oh my goodness, anon’g ginagawa ko?” Doon na ako naano na totoo na ‘to, hindi na ‘to laro-laro lang na talagang seryoso rin. Du’n na ako naging parang kailangan kong ayusin, kailangan kong ayusin.

“Pero dahil du’n kay tita Mylene na ginawa niya ‘yun, nabuksan ang mga mata ko,”aniya.

May eksena raw sila ni Mylene na nautal-utal siya na hindi niya maintindihan kung bakit.

“Eh parang ilang beses na rin, siyempre, bad trip din ‘yun, di ba?” sey niya.

Pagkatapos ng Gimik 2010 ay nasundan agad ito ng isa pang youth oriented show na Growing Up at dito na sila unang nagkasama at nagkatambal ni Kathryn Bernardo.

Sa Growing Up daw niya unang-unang naranasan na ma-bash.

“Dahil galit sila (fans) sa akin dahil ang original loveteam ni Kathryn noon, eh si Albie (Casino). Sabay next show, biglang ako ‘yung kasama, so, alam mo ‘yun, inaano ako ng mga tao nu’n.

“Du’n ako nagkaroon ng ano na kailangan kong galingan ‘to, kailangan kong patunayan sa kanila na worthy ako na ipinalit para kay Kathryn. And ako rin, nahihiya ako sobra kina Kathryn, ayokong pumalpak dahil ako ‘yung baguhan,” ani Daniel.

That time ay galing na raw sa Mara Clara si Kathryn at nakita na raw niya ang husay nito kaya naman talaga namang pinagbuti raw niya.

“Hindi ko sinasabi na ang galing ko nu’n ha, dahil nun’g pinapanood ko nun’g huli, natatawa na lang ako sa sarili ko ‘pag may napapanood akong mga clips, pero I did my best. Du’n na nag-ano sa akin na kailangan kong husayan at kailangan kong galingan din para sa co-actor ko, kay Kathryn,” saad pa ni Daniel.

Tonite – Wendys Inhouse Ad