Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua pinalit ni Daniel kay Dominic

0 251

NI: ARCHIE LIAO

Hanggang ngayon, iniintriga pa rin na hindi pa nahihilot ang feud between Daniel Padilla at Dominic Roque.

Nagpost kasi si Dominic Roque sa kanyang IG account ng litrato niya kasama ang mga kaibigang sina Marco Gumabao at Patrick Sugui. Sila ay mga miyembro rin ng Nguya Squad na ang bagong recruit ay ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

May caption itong : Rick. Ocs. Doms.

Ang Rick ay tumutukoy kay Patrick samantalang ang Ocs o Octopus ay nakagawian nilang itawag kay Marco.

May netizens namang hinahanap sa picture si Daniel Padilla na dating malapit sa boyfriend ni Bea Alonzo.

May mga nang-uurot naman na baka raw balak magtayo ng boyband ni Dominic lalo pa’t nagkomento si Marco sa isang netizen na nagngangalang christianacollings na : “@christianacollings ok lang ba mag perform kami sa bday ni @chloecollings??

Hinahanap naman ng ilang followers ang presensya ni DJ sa nasabing group picture.

Dahil dito, may mga nang-iintriga pa ring malamang na waley na raw ang friendship nina DJ at Dom.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

pagueanne: “ Asan si Daniel. Hmm???Di na kayo friends???

lei_cun: “Bakit wala si DJ?”

daemiggz12: “ok lng khit wla si dj di naman kawalan. Kpag ayaw na wg ipilit.”

saira_dventure: “Oyy. Sali nyo si DJ.”

arren_garcia: “Lil at niel wala.”

monhanmour: “papa doms, balikan na kayo dj pls.”

mariasoledadburog: “I just hope na maayos ang issue ninyo ni Daniel. Parang may tampuhan talaga. Parang lately si Joshua Garcia ang laging kasama ni DJ at ng grupo. Nangyari ito kasabay ng pag-amin ng Bea-Dom. Usap lang kayo ng maayos. Basta wag hahantong sa awayan sa social media, ha.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.