Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua pumiyok kay Ivana

0 154

NI: ROLDAN CASTRO

Inurirat si Joshua Garcia tungkol sa pasabog ni Ivana Alawi sa vlog ni Ogie Diaz. Kinuha ang reaksyon nito na crush siya ng seksing aktres.

Todo ngiti si Joshua bago sumagot sa presscon ng seryeng “ Viral Scandal.” Nagtakip din siya ng mukha na tila nahihiya.

“Ako kung may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun sa lalaki, di ba?

“Di ko alam ang reaction ko ha, ha. Siyempre thank you kasi na-a-appreciate ‘yung work ko na ginagawa.

“Base sa nakita ko at narinig ko, na-appreciate niya yata ‘yung acting ko, thankful, very thankful ako. As an actor, maraming salamat.”

Dinagdag din niya na open siyang maging kaibigan si Ivana.

“Okay lang sa akin,” sambit niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.