Abante Tonite Interactive

Joshua sinapawan ni Markus kay Janella

0 416

Spotted ang “Killer Bride” actress na si Janella Salvador kasama ang rumored boyfriend nito na si Markus Paterson.

Kumalat sa Facebook na magkasama sila. Dumalo ang aktres sa ika- 60 kaarawan ng ina ni Markus na si Norma Paterson.

Dismayado naman ang ilang netizen matapos makita ang larawan ni Janella at ng kanyang rumored boyfriend. Nakakaapekto raw ito sa bagong tambalan nila ni Joshua Garcia .

Halo-halo ang kanilang mga naging reaksyon, lalo na at hindi naging maganda ang takbo ng huling nakarelasyon nito na si Elmo Magalona.

Hindi na umano natuto ang aktres sa mga pinagdaanan niya. Sa husay niya sa pag-arte at sa talento niya ay mas makakabuti kung unahin muna niya ang career niya.

Komento ng mga netizen sa isang showbiz portal.

�“She just doesn’t learn does she.. girl, career muna.”

“He shouldn’t be the priority right now.Let her be successful.I mean she should choose between lovelife and showbiz career.Now instead of bringing her career down,he should back off.first or maintain a low profile.”

“Janella, your career is going well kaya sana focus ka muna. Wag sa lovelife.”�

Punto ng isang netizen, “And the show is doing well bat hindi muna nya isipin mga shippers ng new loveteam niya at nag display na agad for the benefit of the guy na naman,shes just so insensitive sa fans.”

Kinakikitaan pa naman ang aktres ng malaking potensyal lalo na at ipinares siya kay Joshua Garcia. Kaya ayon sa mga netizen, mas makakabuti para sa career ng aktres kung hindi muna siya papasok sa isang relasyon.