Abante Tonite Interactive

Joshua suportado sina Julia, Gerald

444

Suportado ni Joshua Garcia ang pelikulang “Between Maybes”. Ito ang first team up ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto at ni Gerald Anderson.

Katunayan, kinongratulate pa ni Joshua ang favorite screen partner sa bago nitong proyekto.

Nakiusap din siya sa mga fan nila ni Julia na suportahan ang movie ng dalawa tulad ng pagsuporta sa kanilang tandem ng young actress.

Updated din si Joshua sa mga ganap ng Julia at ibinalita niya ito sa kanyang social media account.

“Ngayon nasa Japan sila, nag shu-shoot sila. Suportahan ninyo iyong pelikula ni Julia. Sana suportahan ninyo rin iyong sa amin together,” sambit niya.

Sey pa niya, nami-miss na niya ang Baba (tawag niya sa nobya) dahil first time nitong gumawa ng pelikula abroad kung saan hindi siya ang ka-partner.

Hindi romcom ang next movie ng JoshLia kundi ang zombie apocalypse thriller na “Block Z” na idinirehe ni Mikhail Red. (Archie Liao)