Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua, Toni, Vice atras sa MMFF: Nora, Sylvia bakbakan!

0 236

RODEL FERNANDO: Tuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival 2020 pero online na itong mapapanod at hindi na sa mga sinehan. Marami ang hindi pabor dito pero may mga nagkagusto rin. Sa nakalipas na apat na dekada ay first time na hindi mapapanood sa sinehan ang MMFF. At ang isa mga apat na unang napiling entries na Praybet Benjamin ay umatras na. Nawalan raw kasi ng gana ang lead star nito na si Vice Ganda at ayaw niyang mag-shooting. Hindi sa nag-iinarte raw siya pero mas gusto raw niyang mapanood ang kanyang movie sa big screen. Totoo rin ba na may isa pang movie na umatras din? Hindi idinetalye ng aming nakausap ang tungkol dito pero mula raw ito sa isang independent film company. Hindi rin daw feel ng producer ang pagpapalabas online.

MILDRED BACUD: Nahahati sa swerte o hindi pa rin masyado ang pelikulang ‘Isa Pang Bahaghari’ ni ate Guy?Dahil hindi man naisama sa MMFF last year , napabilang naman ito sa supposedly Summer MMFF this year but unfortunately , cancelled ang festival because of the pandemic.Good news naman ngayon para kay ate Guy dahil kabilang na muli ang pelikula niya for this year’s MMFF. Yun lang pandemic mode pa din kaya naman online pa rin ang pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kasali. Bagay na ikinalulungkot pa rin ng ibang producers dahil wala pang kasiguruhan kung mababawi nila ang ginastos sa produksyon. Bukod dito, mahirap din kasing mag-shoot ng maraming limitasyon at requirements.

Pero napapatanong kami, bakit ba hindi pwedeng normal screening sa mga sinehan ang pagpapalabas ng mga movies sa MMFF gayong sa foreign films ay open na ang theaters by December? There’s a ray of hope na nga sa ating sitwasyon dahil sa pag-anunsyo ng gobyerno na available na ang vaccine kontra covid before the end of this month.

ROMMEL PLACENTE: Ngayong kasali na ang pelikula ni Nora Aunor sa MMFF 2020, malaki ang chance na siya ang tatanghaling Best Actress sa darating na awards nigh.Napanood na kasi namin ang trailer ng nasabing pelikula at masasabi namin na ang husay-husay dito ni ate Guy.

Kakaibang Nora ang mapapanod dito .Pero sana lang ay tangkilikin ng mga tao ang Isa Pang Bahaghari,lalo na ng mga fan ng nag-iisang Superstar. Kapag gumagawa kasi ng pelikula ngayon si ate Guy ay laging so-so lang ang kinikita sa takilya kapag naipalabas na .Sana sa mga makakapanood ng IPB, ipamalita nila na maganda ang pelikula para marami ang tumangkilik .Ang hirap kasi ngayon sa movie- going public, hindi nila masyadong tinatangkilik ang mga de-kalidad na pelikula, gaya ng mga ginagawa ni ate Guy.

ROLDAN CASTRO: Tama lang na ituloy ang tradisyon ng MMFF kahit pandemya. Kung uso na ang virtual concert, keri na rin iraos sa online ang taunang festival.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa ‘Isa Pang Bahaghari’ kasama sa official entries ng Metro Manila Film Festival ay ang Migikland nina Miggs Cuaderno,

‘Coming Home’ nina Sylvia Sanchez at Jinggoy Estrada.

Nandiiyan din sina Ritz Azul, Miles Ocampo, Joseph Marco sa ‘The Missing,’ ‘Tagpuan’ nina Alfred Vargas at Shaina Magdayao, ‘Suarez, The Healing Priest’ nin John Arcilla, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim’ ni Vhong Navarro, Pak Boys nina Andrew E,Dennis Padilla, Janno Gibbs,Jerald Napoles.

Pasok din ang BL movie na “The Boy Foretold by the Star” nna Adrian Lindayag, Keann Johnson.

Pang-sampu ang pelikula ni Paulo Avelino na ‘Fan Girl’.

Mukhang sina Nora Aunor, Sylvia sanchez, Shaina Magdayao ang magsasabong sa Best Actress, huh!

Walang Coco Martin, Vic Sotto, Vice Ganda movie ngayon sa MMFF. Atras din ang movie nina Joshua Garcia, Toni at Alex Gonzaga.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.