Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua ‘wag maligalig- John Lloyd

0 153

Isang makahulugang payo ang ibinahagi ni John Lloyd Cruz para kay Joshua Garcia na labis na ikinatuwa ng mga fan nilang dalawa.

Sa kanyang Facebook account ay nag-post si Lloydie ng larawan nila ni Joshua kung saan ay makikitang nakaakbay pa siya sa young actor.

Sa caption ay nagbigay ng advice at words of encouragement si Lloydie kay Joshua. Very positive naman ang mensahe ng aktor pero pero mapapaisip ka rin kung ano ba ang ibig niyang sabihin talaga.

“One day everything will fall into place just the way it should be. So until then, don’t focus too much on the confusion. Just focus on improvement and betterment. Create a great life for yourself Joshua Garcia,” ang mensahe ni Lloydie kay Joshua.

May kinalaman kaya sa love life ang payo ni Lloydie? Sa career? Noon pa ay sinasabi ngang si Joshua ang next John Lloyd Cruz at lagi talaga silang pinagkukumpara especially pagdating sa pag-arte. Both are great actors ng kanilang henerasyon at halos nagkakapareho rin sila ng estilo sa pag-arte.

Inulan naman ng positive feebacks ang brotherly advice ni Lloydie kay Joshua mula sa kani-kanilang fans.
“Nice brotherly advice my love joshua with a good heart will come a long way ahead he deserves someone really much better!” komento ng isang netizen.

“Such a great words of motivation from you to Joshua. A very good Kuya,” saad naman ng isa pa.

“2 great actors.Learn from the mistake of others.Love yourself first before loving others.Spend time with your family cuz they will be the first to help you when you fall.Rise and start all over again,” comment naman ng isa.

“John Lloyd is the best actor at all times and Joshua is the next John Lloyd in his generation . Both have similarities – good looks with a good heart!” sey ng isa pang netizen.

Marami rin ang pumuna ng pagkakahawig nila at anila ay parang magkapatid daw talaga ang dalawa.
Ang iba naman ay humihiling na sana raw ay mapanood nila sa isang proyekto sina Lloydie at Joshua.

Angelica takot sa kapalit ng regalo ni Coco

Umiral na naman ang pagkagalante ni Coco Martin sa kanyang leading lady. Binigyan niya ng mamahaling regalo ang kapareha na si Angelica Panganiban.

In-upload ng Star Cinema sa kanilang YouTube channel ang behind the scenes sa set ng movie kung saan ay makikitang tumambad kay Angelica ang isang Gucci paper bag na regalo ni Coco sa kanya habang nasa isang kwarto silang lahat.
Ibinaba ni Coco ang paper bag sa mesa sabay-sabi kay Angelica na “nun’g ano pa ‘to, after ng Dubai natin.”

Kitang-kita naman na parang na-shock si Angelica pero at the same time ay halata ring na-flatter.

“Ano ‘to? Cupcake lang ang ibinigay ko,” sey niya habang nagtatawanan ang lahat.

“Hindi, dati ko pa nakita ‘yan,” sey naman ni Coco.

Nilapitan ni Angelica ang gift na nasa mesa at sey na naman niya, “baka may kapalit ‘to, ha? Hindi pwede ngayon. Nahuli ka ng mga ilang months.”

Tawa naman ng tawa si Coco. As we all know ay may bagong boyfriend na nga kasi ngayon si Angelica.

Hanggang sa binuksan na ni Angelica ang gift at sey pa niya bago buksan, “syet, baka pang-premiere night ‘to.”
Inalis ni Angelica sa paper bag ang pink box na halatang mabigat ang laman.

“Ang bigat mga mommy. Na-budget-an,” natatawang sabi ng aktres.

Nang buksan niya ang box ay tumambad sa kanya ang isang set ng tableware. “OMG, I love it, oh my gosh! This is so pang-mayaman,” sambit niya.

Ipinakita ni Angge sa camera ang plate na may pussycat design, “look at this!” sey niya.

Ayon sa report ng ABS-CBN, sa Gucci website ay makikita raw ang presyo ng made-to-order plate na nagkakahalaga ng USD310 at sa peso ay nasa P15,000.00.

“This is so pang-mayaman,” nakangiting sambit ni Angelica.

Nang tanungin ng isang staff ang aktres kung ano ang masasabi niya sa bigay ni Coco, sagot niya, “wala akong masabi, kinakabahan ako sa kapalit.”

Tawanan.

“Mamaya, babayaran mo ‘yan,” natatawa ring biro ni Coco.

Abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Angelica at halatang haping-happy sa gift ni Coco.

“I deserve this, gagalingan ko po rito sa pelikulang ‘to,” masayang sabi ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.