Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joshua walang balak balikan ni Julia

0 232

NI: ROLDAN CASTRO

Malungkot ang mga JoshLia fan dahil matatagalan na bago magsama sa isang proyekto sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Lumipat na kasi si Julia sa Viva Artists Agency samantalang nanatili sa Star Magic si Joshua.

Ang tatlong bagay na mami-miss niya sa dating ka-loveteam at ex-boyfriend ay ang makatrabaho ang isang magaling na aktor, pangalawa ay ‘yung pagiging maalaga niya sa set at ang pangatlo ay ang friendship nila. Pareho naman daw kasi sila na willing at nag-effort na i-save ‘yung pagkakaibigan nila kahit nag-break na sila. Maayos naman daw ang ending nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa digital presscon ni Barretto ay tinanong siya kung mabibigyan pa ba ng chance na magkabalikan sila.

Base sa sinabi ng aktres, magkaiba na raw ang landas na gusto nilang tahakin. Moving forward na raw sila. Hindi na raw sila parehong eager na balikan ang nakaraan. Parehong klaro sa kanila na magkaibigan sila.

Mukhang wala nang balak si Julia na makipagbalikan pa kay Joshua dahil wish niya na makatagpo si Joshua ng magmamahal sa kanya at aalagaan siyang mabuti. Hindi na raw kailangan na na bumalik sa past nila.

Willing din si Barretto na mag-guest sa vlog ni Garcia sa YouTube nito pag nagkaroon ng chance. Napag-usapan na raw nila ‘yan.
Anyway, mainit ang pag-welcome kay Julia bilang bagong miyembro ng Viva Family. Ngayon pa lang inaabangan na ang kakaibang proyekto na gagawin niya sa bago niyang management.

Leave A Reply

Your email address will not be published.