Abante Tonite Interactive

Josie diwata ng Siargao

401

Mas lalong lumalakas ang dating ng kaseksihan ng surfer-bikini model na si Josie Prendergast.

Maituturing na diwata sa Siargao ang alindog nito. Idagdag pa ang maamo niyang mukha. Pamatay rin ang angas ng kanyang katawan.

Ang layo ng kagandahan ni Josie sa ibang mga lady surfer-model na gaya niya.

May kakaibang kagandahan ang dalaga na wala sa mga ito.

Napakabait ng mukha niya na sumasalalim sa kanyang kabutihang loob.

Mahal na mahal ng maraming bata sa Siargao si Josie dahil busilak ang puso niya. Kitang-kita rin ang pagiging playful ng mga ito sa kanya.

Makikita sa kanyang mga post ang wagas na kasiyahan ng mga ito sa piling ng dalaga.

No wonder kung bakit nabihag niya ang puso ni Zanjoe Marudo. (Rey Pumaloy)