Abante Tonite Interactive

Josie hanep lingkisin

0 1,119

NI:REY PUMALOY

Walang kaduda-duda ang pagiging isang Dyosa ng karagatan ni Josie Prendergast.

Walang make-up, walang anumang dekorasyon para lang tumingkad ang kanyang hitsura. Nagniningning kasi ang kanyang kagandahan sa kasimplehan.

Sa panahon ngayon ng ECQ, MCQ at GCQ, nakakatulong ang ganitong larawan ng mga babaeng gaya ni Josie. Kumbaga, masarap pagpantasyahan na nililingkis.

Malamig sa mata ang aura. Nakakagaan ng loob dahil walang anumang kahalayan na makikita sa kanya.

Walang anumang malisyang masisilip sa larawan ng Billabong model.

Hindi masasabing Santa si Josie lalo’t nakabalandra pa rin ang kanyang seksing na katawan sa madla, pero nasa niya kuwalidad ang isang dalagang Pilipina.

Kahit rebyuhin ang lahat ng mga naiposte n’yang larawan sa Instagram, walang makikitang anumang kalandian kay Josie.

Ni hindi rin ito nagpu-post ng lambingan nila ng rumored boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Kasi naman hindi uhaw sa pansin at katanyagan ang dalaga. Ang makapiling n’ya ang karagatan at mapagbigyan ang layaw n’ya sa surfing, sapat na ito sa kanya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad