Abante Tonite Interactive

Josie hiyas ng karagatan

By
0 170

Minsan pang ipinamalas ni Josie Pren­dergast ang galing niya sa surfing. Panay ang post niya sa social media habang naglulunoy siya sa Siargao beach.

Hindi lang naman ang magaling na pagbabalanse sa surf board hinahangaan si Josie kundi pati ang kanyang winning form.

Parang isang dyosa sa kaharian ng Olympus ang porma ng kanyang pigura. Ang latest nitong lara­wan ay para siyang si Venus na isinugo para maging dyosa ng karagatan.

Walang duda na ang kanyang pigura ang isa sa mga nagustuhan ng Billabong Australia para maging isa sa mga ambassadress.

Kung may Victoria Sec­ret si Kelsey Merritt, meron namang Billabong si Josie, kasama ang iba pang mga bikini angels sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kung sakali mang natuloy ang lovelife ni Josie kay Zanjoe Marudo, masuwerte ang Kapamilya actor. Nakabingwit siya ng isang mamahaling hiyas ng karagatan.