Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jovelyn enjoy tumulong sa mga LSI

0 351

Kung mayroon mang nakakapagpasaya ngayon kay Philippine SuperLiga (PSL)-Premier Volleyball League (PVL) star Jovelyn Gonzaga, iyan ay ang pagsagip sa mga naipit niyang kapwa sa gitna ng COVID-19.

Tigasin man sa court, malambot naman ang puso ng 28-anyos na dalagang Ilongga sa mga kababayan dahil puspusan sa kasalukuyan ang pakikipagtulungan niya sa Philippine Air Force (PAF) para makapaglingkod sa mga Locally Stranded Individual o LSI.

“Masaya ako na nagsisilbi,” pahayag ng national player kamakalawa. Dinagdag niyang dahil bukal sa loob at masaya siya sa pagtulong, nagiging magaan sa kanya ang trabaho. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.