Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jovelyn malalim ang hugot

0 282

Halatang miss na ni Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) star Jovelyn Gonzaga ang pagba-volleyball at makalaro ang kanyang mga ka-close nang mag-throwback sa isang litrato kasama ang ilang volleybelles.

Sa Instagram story noong Sabado ng gabi, hinalungkat ng Cignal HD Spikers at Pacific Town Army Lady Troopers player, ang may limang-taon na rin nilang larawan nina F2 Logistic Cargo Movers star Abigail ‘Aby’ Marano at volleyball phenom Alyssa Valdez.

Taong 2015 pa kuha ang picture ng tatlong maria kung saan neneng-nene pa ang kanilang mga itsura.

Kasunod noon ay pinost niya ang national team jersey nila sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 volleyball tournament noong Disyembre.

Magkakaiba man ng koponan, ‘di mawawala ang kanilang pagkakaibigan dahil matagal din silang nagsama sa PH 6 sa iba’t ibang mga paligsahan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.