Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JoWaPao buwag sa TV5

0 2,270

Pati pala ang “Eat Bulaga” dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay magkaka-show rin sa TV5.

Kaya lang ay hindi magkakasama ang JoWaPao sa isang show. Mahihiwalay si Jose, na ang makakasama sa show ay si Pokwang.

Sina Wally at Paolo ang magkasama sa isang game show. Game show din daw ang kina Jose at Pokie, na ipo-produce ng Archangel Productions ng grupo ni Mr. Tony Tuviera, na producer ng “Eat Bulaga.”

Sa ngayon ay “Eat Bulaga” lang ang pinagkakaabalahan ng JoWaPao sa GMA. At dahil sa banta ng COVID-19 ay sa APT Studios lang sila sa Cainta, hindi katulad dati na kung saan-saang barangay sa Pilipinas sila sumusugod.

Kaya mas may panahon ang JoWaPao na tumanggap ng ibang TV shows ngayon.

Bale pangalawang show na ito ni Pokwang sa TV5 dahil kasama rin siya sa morning show na “Rise and Shine” with co-hosts Pauleen Luna and Ria Atayde, na gaya ni Pokie ay isa ring Kapamilya.

Arcangel din ang producer ng “Rise and Shine” sa direksyon ni Mike Tuviera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bonggadera si Pokie dahil mukhang mamayagpag ito sa Singko matapos ipasara ng Kongreso ang Kapamilya network.

Ang dinig namin ay nag-iimbita na sila ng mga guest para sa nasabing game shows, pero gusto raw makasiguro ng invited celebrities na safe ang magiging taping at naaayon sa safety protocols kaugnay ng kinatatakutang coronavirus.

@@@

Ipaglaban Mo tatawid sa Singko

Bukod kay Korina Sanchez-Roxas na nauna naming ibinalita rito kahapon na lilipat sa TV5, isa pa raw na tatawid ng bakod ay ang Kapamilya show na “Ipaglaban Mo.”

Pag-aari ng mag-amang Atty. Jose Sison at Jopet Sison ang nasabing legal drama-crime anthology program na ang mga kuwento ay hango sa mga tunay na kaso, kaya puwede nila itong dalhin kung saang network nila gusto.

Originally ay umere ang “Kapag May Katwiran, Ipaglaban Mo!” sa IBC-13 (1988-1992), tapos ay lumipat ito ng ABS-CBN (1992-1999), mula roon ay lumipat ito sa saglit sa GMA News TV (2012-2013), bago ito muling bumalik sa ABS-CBN (2014-2020).

After ipasara ng NTC ang Kapamilya network nu’ng May ay inilipat ang nasabing programa sa Kapamilya Channel kung saan ito napapanood tuwing Linggo ng hapon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.