Abante Tonite Interactive

Joy, Abby, Toby halos tiyak ang panalo – survey

746

Lumalabas sa independent survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc), na halos tiyak na ang panalo sa eleksiyon sa Lunes sina Josefina “Joy” Belmonte ng Quezon City; Abigail “Abby” Binay ng Makati City; Tobias “Toby” Tiangco ng Navotas City; Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ng Pasay City; Lino Cayetano ng Taguig City at Robert “Bobby” Eusebio ng Pasig City.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Mayo 4 hanggang 8, 2019, at nilahukan ng mahigit 8,000 registered voters sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, nabatid na si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang nananatiling ‘top choice’ sa pagka-alkalde na may 65 percentage points laban sa kanyang katunggaling si Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo, na nakakuha lamang ng 30 percentage points habang si dating Rep. Chuck Mathay ay nakatanggap naman ng tatlong porsiyento.

Si Rep. Toby Tiangco, na tumatakbo bilang Navotas mayor, ay mahirap talunin sa lamang na 74 percent laban kay Dan Ang na may 25 percent lamang, at si Rep. Imelda Calixto-Rubiano, ay nakakuha ng 72 percent laban sa kapatid ni megastar Sharon Cuneta na si Chet, na 19 percent.

Sa Taguig City, si dating Ex-Rep. Lino Cayetano, ay nakakuha ng 62 percent na ratings laban kay Taguig-Pateros Rep. Arnel Cerafica na may 35 percentage points lamang.

Umakyat naman si incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng +5 percentage points mula sa nakalipas na survey ngunit hindi sapat upang mahila pababa ang “voters’ preference” para kay dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na nangu­nguna sa 45 percentage points.