Abante Tonite Interactive

Joy Belmonte kulelat sa mga Metro mayor

3,687

Nangulelat si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa hanay ng mga alkalde sa Metro Manila kung pag-uusapan ang approval rating sa kanila.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Publicus Asia Inc. para sa net approval rating ng mga alkalde sa Metro Manila.

Kabilang sa mga pumasok sa top 5 ay sina Miguel Ponce III ng Pateros na nakakuha ng 80% approval rating; Rex Gatchalian ng Valenzuela City, 75%; Vico Sotto ng Pasig City, 74.58%; Marcy Teodoro ng Marikina City, 60%; at Isko Moreno ng Maynila, 58%.

Kasama naman ang alkalde ng Quezon City sa hanay ng mga local chief executive sa Metro Manila na kulelat ang approval rating.

Nakakuha lamang si Belmonte ng -43%.

Kasama rin sa hilera ng mga kulelat si Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar na nakakuha lang ng -32.61 approval rating habang si Antolin Oreta ng Malabon City ay -35.72.

Tonite – Wendys Inhouse Ad