Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joy Belmonte negative na sa COVID

0 167

RP

Dalawang beses nang negatibo ang resulta ng COVID-19 test ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ito’y kinumpirma ng Legal Office ng Quezon City nitong Biyernes.

Bagama’t negative na, hindi pa rin umano maituturing na fully recovered ang alkalde habang hindi pa dinedeklara ng isang health professional, at nais tapusin ang kanyang 14-day mandatory quarantine.

Matatandaan na inanunsyo ni Belmonte na siya’y positibo sa virus noong July 8, kung saan pinaliwanag nito na posibleng nakuha niya ang sakit sa pagbisita sa mga health center, ospital at iba’t ibang lugar na sinailalim sa special concerned lockdown sa kanilang siyudad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.