Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joy humirit ng public apology

0 105

NI: ROLDAN CASTRO

Nasangkot sa kontrobersya ang Miss World Philippines candidate na si Joy Barcoma.

Pinaratangan siya na nagkakalat ng maling tsismis tungkol sa bisyo umano ng ilang kapwa niya kandidata ng MWP.

Dahil diyan iniwasan siya ng ibang candidates.

Labis siyang nasaktan sa nangyari. Iba raw kasi ang feeling na lahat ng nasa paligid niya ay galit sa kanya.Gusto na nga niyang umuwi nang mga oras na ‘yun.

Nadiskubre naman nila kung sino ang may pakana ng intrigang ‘yun.

SM food to go Banner Ad

Sinulatan na raw ito ng lawyer niya para humingi ng public apology. Pag hindi raw ginawa ng naturang kandidata ang paghingi ng tawad ay mapipilitan siya na idaan ito sa korte.

Gusto niyang bigyan ng leksyon ang naturang candidate at ma-realize niya ang kanyang kamalian. Ayaw rin niyang mangyari ito sa iba pang kandidata.

Naniniwala si Joy na hindi maaapektuhan ang kanyang laban sa MWP sa nilabas niyang isyu. Hindi naman daw ito tungkol sa MWP kundi ang maling ginawa sa kanya ng isang kandidata na kailangan niyang ipaglaban.

Si Joy ay kasakuyang staff ng isang congresswoman. Balak din niya na maging abogada.

Nu’ng 2017 ay nanalo siya bilang Miss Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) . Nakuha rin niya ang titulong Miss Philippine Islands. Nu’ng 2018 ay first runner up siya sa Miss Mandaluyong pageant.

Wish niya na masungkit ang Miss Eco Philippines sa koronasyon ng Miss World Philippines 2021 sa August 8.

Leave A Reply

Your email address will not be published.