Abante Tonite Interactive

`Joy ng Bayan’ supot barado sa mga netizen

1,060

Hindi pinalampas ng mga netizen ang paggamit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga eco bag na may tatak ng kanyang pangalan sa pamimigay ng tulong sa mga residente ng lungsod.

Binakbakan sa social media ang alkalde dahil sa mga health kit nito na sinilid sa mga eco bag na kung saan may nakasulat na `Joy ng Bayan’.

Ikinumpara pa siya sa ibang alkalde sa Metro Manila katulad ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi umeepal sa pagkakaloob ng tulong sa kanyang mga kababayan.

“Not to brag or anything. I’m not against you Mayor Joy Belmonte, but how dare you to distribute those eco bags with hour name embossed to it, It’s not even a campaign. Now I get why many people hate you,” sabi ng Twitter user na si @Infnte008.

“You’re the 1st city mayor who declared state of calamity. Howevere, u have more time with people bashing u instead of putting up a concrete plan for your city’s safety. Mayor Joy Belmonte, ang laki ng eco bag mo w/ ur name on it pero yan lang ang laman? How about those who starve?” sabi ng netizen na si @MisterADB.

Naglalaman ang mga eco bag ng face mask, alcohol, sabon at gamot.

Nagpaliwanag naman si Belmonte hinggil sa kanyang mga eco bag at humingi rin ng paumanhin sa publiko kaugnay ng kinasangkutang kontrobersiya.

“Naghanap lang po kami ng supot sa bodega namin. At ‘yan po ay natira

sa kampanya. Lahat po ng supot na nakita namin sa bodega ay ginamit na

po natin, dahil nais lang po natin mapababa ang health kit sa lalong

madaling panahon,” sabi ng alkalde sa panayam ng DZMM.

“Sa lahat po ng na-upset doon, ako po’y humihingi ng paumanhin. Sorry

to those na-offend,” dagdag pa nito.