Abante Tonite Interactive

Joy ng Red Velvet isinugod sa ospital

270

tonite-annyeong-rose-garcia

Hindi natapos ng Red Velvet member na si Joy ang performance niya sa concert nila sa Singapore noong October 20.

Nasa kalagitnaan sa pagpe-perform ang grupo nang biglang makaramdam ng matinding sakit sa kaliwang balikat niya. Naging very obvious daw sa ibang miyembro ng Red Velvet na naging uncomfortable bigla si Joy.

Dahil dito, agad nilang nilapitan si Joy. Napansin din ito ng mga fan na nanonood kaya nag-worry rin ang mga ito kung ano ang nangyari kay Joy.

Nagdesisyon na rin agad ang management at production ng concert na huwag nang tapusin ni Joy ang performance nito sa concert. Dinala na siya agad sa hospital sa Singapore. Dahil dito, umiiyak na humarap muna si Joy sa mga fan.

Ayon kay Joy, “I really wanted to perform on stage no matter what, but I just heard that I have to go to the hospital.”

Nagpatuloy pa rin naman ang concert. Naiwan ang four members na sina Irene, Seulgi, Wendy at Yeri.

Nagbigay rin ng official statement ang agency ng Red Velvet na SM Entertainment: “During the Singapore concert, Joy felt pain in her shoulder. After asking the audience for their understanding, she went to a local hospital, and the medical staff’s diagnosis was that her pain was caused by muscle strain. After arriving in Korea tomorrow, she will undergo a thorough examination.”

Naunawaan naman ng mga tagahanga ng grupo ang pangyayari, lalo na ang mga bumili ng tickets.

Ilan pa nga sa mga na­ging komento ng netizens na lumabas sa soompi.com;

Komento ni @ysungjae; “Her health is the most important, so she shoudn’t be sorry Joyi 🙁 get well soon.”

Sabi naman ni @lemonuneno; “That must’ve hurt so much, I’m glad she mentioned it instead of enduring them and continue dancing because it could’ve gotten worse.”

Halos karamihan din ay umaasang maka-recover daw ito agad.