Abante Tonite Interactive

Joyce Baluarte mala-Kim Kardashian sa sex video

13,993

‘Di natitinag si volleyball player Joyce Baluarte matapos ang alegasyong sex videos at pictures scandal niya nitong Enero 5.

Sa Instagram na nirepost ni Baluarte ang IG story ng kaibigan niyang si Valandre Chauca, na dating player ng Adamson University Lady Falcons sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Si Baluarte ay naglaro dati sa San Beda University Red Lionesses sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) at Premier Volleyball Lague (PVL) Collegiate Conference.

Makikita sa post ang larawan ni opposite hitter Baluarte na may caption na “Kim Kardashian of the Philippines”.

Kumalat din sa internet nitong 2007 ang 2002 sex video ng American actress sa kanyang boypren. Pero buong tapang na hinarap nang magandang 39-anyos na ngayong si Kardashian ang lahat.

At hanggang ngayon ay nasa pedestal pa rin ng career niya ang magandang inang tubong Los Angeles, California ‘di lang bilang aktres kundi matagumpay na media personality, model, businesswoman, at socialite. (Janiel Abby Toralba)