Abante Tonite Interactive

Joyce ‘di sumakit ang ulo kina Gelli, Ariel

257
Inurirat ang beauty queen, fashion-jewelry designer at mo­vie producer na si Joyce Peñas Pilarsky para sa “Showbiz Pamore” online show ng Abante Tonite. Kasama ­namin sina Rommel Placente at Mildred Bacud bilang host.

 

Matipid ang kanyang sagot sa hindi matapos-tapos na alitan nila ng isang direktor na diumano’y nanloko sa kanya. Nasabi niyang ang lawyer na lang niya ang bahala rito.

 

Sa kabilang banda, abala siya ngayon sa pagpo-promote ng kanilang pelikulang “Ang Sikreto ng Piso” na  showing na ngayon sa mga sinehan.

 

Bilang producer ng pelikula ay natutuwa siyang nakuha niya ang serbisyo ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera na nagsama ulit sa pelikula.

 

“Si Direk Perry Escaño (direktor ng pelikula) ang nag-convince talaga sa kanila. Binigay ang script, pinag-aralan nila. Parang na-challenge ang dalawa kasi wala pa silang ginawang comedy film together at saka matagal na silang walang pelikulang magkasama so sabi nila ‘okey, why not?!’ Nagustuhan nila and I’m very happy at ginawa nila.”

 

Nag-enjoy si Ms. Joyce sa pakikipagtrabaho sa mag-asawa. Naging maayos ang working relationship nila. Maging kay Bea Binene ay humanga rin siya.

 

“Very professional silang lahat. Wala silang attitude which is I admire at saka napaka-sweet nina Ariel at Gelli. Si Bea Binene, very sweet girl din,” pagmamalaki niya sa kanyang mga artista.

 

“Tinitingnan ko kasi ‘yung beauty in the person. Mas positive kasi ako. Okey silang lahat,” dagdag pa niya.
Bukod sa pagiging movie producer ay isa rin siyang beauty queen. Siya ang representative ng Asia sa Mrs. International Global 2014 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. Siya rin ang tinanghal na Mrs. Mother of The Universe noong 2017 na ginanap sa South Africa. 84 countries ang naglaban-laban at siya ang pinalad na mag-uwi ng korona.

 

Busy rin siya sa pagiging fashion designer. Sa katunayan sa katatapos lang na Miss Intercontinental 2019 na ginanap dito sa Pilipinas ay siya ang nagbihis sa kandidata ng Brazil. Bago pa man ito ay binihisan din niya si Ms. Jamaica sa Miss Universe 2016 sa ilang fashion events. Marami na ring celebrities siyang ginawan ng damit lalo na sa kanyang mga fashion event sa ibang bansa.

 

Sa mga local artist naman ay pangarap niyang madamitan sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Angel Locsin at Heart Evangelista. Dream din niyang maisuot nina Nora Aunor at Maricel Soriano ang kanyang mga creation.