Abante Tonite Interactive

Joyce Jimenez Pantasya ng bayan noon tatlo na ang anak ngayon

2,759
Nasaan na si Joyce Jimenez na naging Pantasya ng Bayan noong 90s?
Bigla na lang nawala sa showbiz sa kainitan ng kanyang tagumpay sa la­rangan ng pag-arte. Siyempre ang laging inaabangan ng  kalalakihan ay makita ang kanyang kaseksihan at alindog na kinabaliwan ng mga local actor.
Na-link siya kay Robin Padilla  pero ‘di hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Tapos na-link din sa mga nakaka-partner niya sa pelikula pero wala ring nagtagal.
Marami siyang ginawang mga sexy movie na talaga naman pinagpistahan ng kanyang mga barakong tagahanga.
Kahit sugatan ang puso ay gumawa pa rin siya ng pelikula, gaya ng movie pinagsamahan nila ni Aga Muhlach  na ‘Narinig mo na ba ang L8est?’
Pero tila hindi naging sapat ang kanyang tinatamasang kasikatan. Biglang na lang siyang nawala  sa limelight.
Early year 2000 nang biglang lisanin na ni Joyce ang showbiz.
Ayon na sa former Pantasya ng Bayan ay personal ang dahilan.
Kamakailan lang ay biglang lu­mabas sa YouTube ang larawan ni Joyce kasama ang tatlong anak at husband.  Sa hitsura ng former Pantasya ng Bayan ay masaya ito at tila natagpuan na ang hinahanap na kasiyahan sa buhay.
Happy siya sa piling ng Fil-Am husband na si Paul Egbalk. Ikinasal sila sa America at nabiyayaan ng tatlong anak na sina Joyja Ely, Jaysen Elise at Julian Ellyson.
Naninirahan nga­yon sa American  ang aktres sa piling ng kanyang pamilya.
Kung pagbabasehan ang mga larawan na kasama ang tatlong anak at husband, masa­sabi na wala itong pinagsisisihan nang lisanin ang showbiz.