Abante Tonite Interactive

Joyce Pring at Issa Pressman: “Bring Your Dogs to the Vet!”

0 215

usapang petmalu atbp.
Joyce Burton-Titular

Dear FURRever FURRiends:

Meron po akong good news and bad news. Siyempre, bad news muna, diba?

Ayon sa isang survey ng mga furparents sa Metro Manila, na isinagawa ng Royal Canin dogfood, 80% ng mga pet owners ay hindi regularly bumibisita sa vet. ‘Yung natirang 20%, lang ang kusang pumupunta at usually nakakaiwas na magkasakit ang mga pets.

Nakakaloka naman yaaaaan mga PETma­lu!!!

Pero, may good news ako!

Magbibigay ng libreng veterinary check-up ang Royal Canin sa unang 3,000 dogs na ma-i-regis­ter sa kanilang #BringMyDogToTheVet campaign website simu­la July 3, 2019. Kung gusto mong i-register si Doggy, visit www.royalcanin.ph, i-click ang “Bring My Dog to the Vet” tab at punan ang form.

Ini-launch ng Royal Canin ang campaign last week sa Makati kung saan dumalo ang ilang mga celebrity at mga doggies nila!

Dala ni Joyce Pring si Bowie, isang super-cute na Shiba Inu. Si Issa Pressman naman, kasama ang kanyang adorable Dachshund na si Killa.
Ang nag-host ng launch ay si radio personality Chico Garcia, kasama si Hiroshi, isang Jack Russel Terrier.

Nu’ng tinanong ni Chico si Joyce Pring kung praning siya pagdating sa kalusugan ni Bowie, mabilis niyang inamin na paranoid siya. “One week after I got Bowie, nag-diarrhea siya. Thank God, I brought him agad to the vet. Kung na-prolong daw yun, he would have died! It’s better to prevent ins­tead of cure problems, so bring your dogs to the vet regularly!”

Inamin naman ni Issa Pressman na madalas siyang mag-Google kung may problema si Killa. Ngunit alam niyang mali ito. “I would always search tungkol sa back care ng Dachshund because that’s the usual problem of short-legged dogs. One website would say dapat akyat-baba sa stairs ang dog para the bones get stronger. The other website naman said no, kasi it might be bad for the back. Ano ba talaga?”

Agree dito ang Scientific Communications Manager ng Royal Canin na si Dr. Poan Buiser, isang veterinarian. “Most dog-owners, anong gagawin nila pag may problema si Doggy? Itatanong nila sa Google! But please, do not confuse your Google search with the medical advice of your vet.”

Tama nga naman si doc, diba? Vet agad pag may sakit si Doggy.

Magwawakas ang ating HAYOP na kwento sa napakagandang quote ni Ann Garcia, Royal Canin Vet Pillar Head for Sales and Marketing – “We believe that pets make the world better. So, let’s make a better world for our pets.”

I couldn’t agree more.
Your loving PUParazzi,
Joyce

Email: UsapangPetmaluAtbp@yahoo.com
Facebook: Joyce Ann Burton Titular
Instagram: Joyce Ann Burton