Abante Tonite Interactive

Joyride, sound trip pampa-chillax ni Lee

272

‘Di training at pahinga ang susi upang makapag-chillax ang ‘Angas ng Tondo’ na si Paul John Dalistan Lee.

Ang sagot? Long drive at music.

Ito ang ibinahagi ng three-time Phili­ppine Basketball Association (PBA) champion sa kanyang Instagram post.

“Sometimes, the best therapy is a long drive and good music Create your own light ,” bulalas ng basketbolista sa account niyang @lethalweapon03.
Si Lee at kanyang kabiyak ay kapwa aktibo sa social media.

Kasalukuyang nag­lalaro ang 30-year-old cager sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok tapos ang blockbuster trade nila ng dating Purefoods team franchise player na si James Carlos Yap Sr. sa Rain or Shine noong 2016.

Nagkamit ng kampeonato si Lee taong 2018 sa nilipatan niyang koponan nang talunin ang Alaska. (Aivan Denzel ­Episcope)