Abante Tonite Interactive

Jr Altas tinakbo ang T&F, general championship

284

Nanguna sa track and field ang University of Perpetual Help System Dalta high school team sa Vermosa Sports Hub sa Imus City Huwebes ng hapon upang tanghaling juniors general champion sa 94th NCAA season.

Kumulekta ang Junior Altas ng 50 points sa pamamayagpag sa track and field sa likod ng limang gold medal kaya nirehistro ang kabuuang 365 puntos at patalsikin sa trono ang San Beda University Cubs na nabulilyaso sa six-peat feat.

Sinilo ng Perpetual ang pangalawang general championship.

Nakakuha rin ng puntos ang Las Pinas-based school sa indoor volleyball, beach volley at chess.

“We congratulate the whole team and the whole of University of Perpetual Help System Dalta community is proud of the accomplishment,” saad ni NCAA at UPHSD president Anthony Tamayo.

Naghari ang Junior Altas sa 200m, 100m, 400m, 800m at long jump. (